^

Bansa

Debateng Binay-Trillanes ikinakasa na ng KBP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihahanda na ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang debate nina Vice President Jejomar Binay at Sen. Antonio Trillanes IV.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni vice president Herman Basbaño na malamang maganap ang debate sa pagitan ng magkatunggaling politiko sa susunod na dalawang linggo.

Nauna nang iminungkahi ng kampo ni Binay na sa Nobyembre 10 sa Philippine International Convention Center ganapin ang debate.

Tiniyak ni Basbaño na magiging "no holds barred" ang debate nina Binay at Trillanes.

Aniya, nagbubuo na mga regulasyon ang KBP para sa debate.

Maghaharap sa unang pagkakataon ang dalawang opisyal matapos magsagawa ng imbestigasyon ang Senate Blue Ribbon sub-committee sa umano'y maanomalyang pagpapatayo ng Makati City Hall II Parking Building na sinimulan noong alkalde pa ng siyudad si Binay.

Itinanggi ni Binay na may anomalya sa pagpapatayo ng gusali at iginiit na ang pagpapalutang ng naturang kontrobersya ay bahagi ng isang kampanya upang maunsyami ang pagtakbo niya sa pagkapresidente sa 2016.

Nanggaling ang hamon ng debate kay Binay na agad namang tinanggap ni Trillanes.

ANTONIO TRILLANES

BINAY

HERMAN BASBA

MAKATI CITY HALL

PARKING BUILDING

PHILIPPINE INTERNATIONAL CONVENTION CENTER

SENATE BLUE RIBBON

TRILLANES

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with