Ebola outbreak malabong mangyari sa Pinas – DOH
MANILA, Philippines – Tiniyak kahapon ng Department of Health (DOH) sa Senado na malabong magkaroon ng Ebola outbreak sa Pilipinas.
Ayon kay Health Sec. Enrique Ona, posibleng magkaroon lamang ng isa hanggang dalawang kaso pero malabong magkaroon ng outbreak.
Inimbestigahan kahapon ng Senate on Health and Demography na pinamumunuan ni Sen. Teofisto Guingona ang kahandaan ng gobyerno na kontrolin ang Ebola sakaling makapasok sa bansa ang nakamamatay na virus.
Ibinase ni Ona ang kanyang pagtaya sa mga bansa na nagkaroon na ng Ebola bukod sa Africa. Hindi aniya mangyayari sa Pilipinas ang epidemic sa Africa kung saan nagkakaroon ng 100 porsiyentong kaso ng pagtaas sa bawat ikalawang linggo.
Nararanasan ngayon ang outbreak ng Ebola sa mga bansa sa West Africa katulad ng Guinea, Liberia at Sierra Leone kung saan kahati ng mahigit sa 9,000 katao na nagkaroon ng virus ang namatay.
Inihayag naman ni Julie Hall ng World Health Organization Philippines na ang takot sa Ebola na nangyayari ngayon ay “90 percent hysteria”.
Ipinaliwanag rin ni Ona na hindi airborne ang Ebola at naililipat ito sa pamamagitan ng body fluids ng isang biktima.
- Latest