^

Bansa

Publiko ‘wag takutin sa power crisis - Solon

Butch Quejada, Gemma Garcia at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dapat tigilan na ng mga opisyal ng Department of Energy (DOE) ang diumano’y pananakot nito sa publiko na kapag hindi nabigyan ng emergency power si Pangulong Aquino ay magkakaroon ng sunud-sunod na brownout sa susunod na taon dahil sa nakaambang krisis sa kuryente.

Maraming kongresista sa Kamara ang napapai­ling sa gustong mangyari ni DOE Sec. Jericho Petilla na bigyan sa lalong madaling panahon ng emergency power ang Pangulo matapos mapag-alaman sa pagdinig ng House Committee on Energy na hindi magkakaroon ng power crisis sa isang taon.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, na hindi buong buwan ng Abril 2015 magkakaroon ng problema sa suplay kundi manipis lamang ang reserba sa kuryente at tatagal lamang ito ng ilang araw.

Lumabas din sa pagdinig na sakaling aprubahan ng Kongreso ang hirit na dagdag-kapangyarihan ni PNoy at kumontrata na ang gobyerno ng dagdag na suplay ng kuryente, wala nang refund ang tinatayang P12 bilyong pondo sakaling hindi naman matuloy ang nakikitang pagbagsak ng mga planta.

Imbes na emergency powers, ikinokonsidera ng komite ang Interruptible Load Program (ILP) kung saan hihikayatin ang malalaking commercial establishment na gumamit ng sariling generators kapag bumaba ang suplay ng kuryente.

Papatawan pa rin ng dagdag-singil ang taumbayan dito dahil mas mahal patakbuhin ang generators kumpara sa pagkuha ng suplay sa Meralco. Pero ani Colmenares, tiyak na mas mababa ang papasanin ng publiko sa ILP.

Sa kabila nito, buo pa rin ang desisyon ng Malacañang na humirit ng emergency powers sa Kongreso para sa Pa­ngulo kahit wala namang aktuwal na shortage sa supply ng kuryente.

Siniguro naman ni House Energy Committee Chairman Reynaldo Umali na ibibigay pa rin ng kongreso kay PNoy ang emergency power na hinihingi nito pero hindi na kasama sa opsyon na magrenta o bumili ng power generators dahil mismong ang DOE na ang nagsantabi nito kaya hindi na ito magdudulot pa ng pabigat sa publiko.

Tinatayang gagastos na lamang ang gobyerno ng P80 milyon kada buwan habang 8 sentimo kada kilowatt hour ang madaragdag sa bayarin sa kuryente ng consumers.

BAYAN MUNA REP

DEPARTMENT OF ENERGY

HOUSE COMMITTEE

HOUSE ENERGY COMMITTEE CHAIRMAN REYNALDO UMALI

INTERRUPTIBLE LOAD PROGRAM

JERICHO PETILLA

KONGRESO

NERI COLMENARES

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with