^

Bansa

69 LANI scholars nadagdag

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling napatunayan ng nasa P400-million Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (LANI) Scholarship Program ang tagumpay nito para paramihin ang Taguig City ng mga bagong professionals kasunod nang pagpasa ng may 69 scholars nito sa kani-kanilang board examinations ngayong taon.

Ayon kay Mayor Lani Cayetano, na buo ang pagmamalaki at kasiyahan sa panibagong tagumpay ng mga scholar, muling napatunayan ng lunsod na hindi lamang kailangan na mag-invest ng malaking resources para sa scholar­ship program bagkus ay marapat din na ito’y gawin.

Sa nakaraang Mechanical Engineering Licensure Examination, 42 sa 45 LANI scholars ang pumasa, na ang passing rate ay 95 percent, habang may 20 scholars ang ngayo’y licensed Electronics Engineers matapos ipasa ang kanilang licensure examination noong Setyembre.

Ang LANI scholarship sa kasalukuyan ay nagkaroon ng kabuuang 109 Mechanical Engineers at 67 Electronics Engineers at iba pang professionals.

vuukle comment

AYON

ELECTRONICS ENGINEERS

LIFELINE ASSISTANCE

MAYOR LANI CAYETANO

MECHANICAL ENGINEERING LICENSURE EXAMINATION

MECHANICAL ENGINEERS

NEIGHBORS IN-NEED

SCHOLARSHIP PROGRAM

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with