^

Bansa

CBCP umalma sa paggamit ng ‘Acts of God’ sa kalamidad

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit ng Simbahang Katoliko na hindi kailanman ninais ng Panginoong Hesus ang mga nagaganap na kalamidad o trahedya kaya hindi dapat gamitin ang katagang “Acts of God” na mistulang isinisisi pa ang mga kaganapan sa Diyos.

Ito ang apela ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa publiko na alisin na ang ma­ling paniniwala at maling paggamit sa mga salitang ‘acts of God.’

Kapansin-pansin umano na madalas na makikita ang mga salitang ‘acts of God’ kung panahon ng catastrophe o kalamidad.

Kabilang na rito ang paggamit nito sa mga kon­trata, tulad ng mga insu­rance contracts at ma­ging sa law at jurisprudence, kung saan lumilitaw aniya na ang Panginoon pa ang tagapaghatid ng trahedya at paghihirap ng mga tao.

Iginiit ng arsobispo na kailanman ay hindi haha­ngarin ng Panginoon na may mangyaring masama sa kanyang mga anak lalo na sa mga panahon na sanhi ng natural calamities, krisis at iba pang trahedya.

“A landslide, for example, that not only impedes travel but can bring about the tragic loss of life is usually referred to in commercial and legal documents as an ‘act of God’,” ani Villegas.

“Jesus is the ultimate revealer of the Father, and he tells us about a God so passionately in love with us all that he wishes none to be lost and invites all to the knowledge of the truth!” aniya pa.

ACTS OF GOD

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

IGINIIT

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP SOCRATES VILLEGAS

PANGINOON

PANGINOONG HESUS

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with