^

Bansa

US Marine sinubpoena sa transgender slay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinadalhan na ng subpoena ang US Marine na suspek sa pagpatay sa transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer.

Sinabi ni Atty. Harry Roque, abugado ng pamil­ya Laude, personal na ipinadala ng Olongapo Prosecutors Office sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang subpoena kay Private First Class Joseph Scott Pemberton para dumalo sa preliminary investigation sa Oktubre  21 alas-2 ng hapon

Paliwanag ni Roque, ang DFA na ang manga­ngasiwa para maipadala ang subpoena at kopya ng reklamo kay Pemberton sa pamamagitan ng diplomatic channel.

Inihayag pa ni Roque na sila ay nagpapasalamat at umusad na rin ang pro­seso ng pormal ng imbestigasyon kay Pemberton.

Gayunman, nagtataka umano si Roque kung bakit naiba ang proseso kay Pemberton kumpara nuong panahong iniim­bestigahan ang kaso ni Daniel Smith.

Noon umanong kaso ni Smith, kinuha agad ng Pilipinas ang kustodiya nito subalit nagkaroon ng request ang Amerika kaya nailipat sa kanila ang kustodiya ni Smith.

Magkagayunman, bago umano ibinigay ng Pilipinas ang kustodiya ni Smith sa US ay tiniyak muna ang proseso kung saan lahat ng summons para sa kanya ay idadaan sa US Embassy.

Dismayado si Roque dahil sa simula pa lamang na matukoy na si Pemberton ang suspek, dapat ay iginiit na ng gobyerno ang kustodiya sa kanya dahil alinsunod sa Visiting Forces Agreement (VFA), ang kustodiya ng Pilipinas sa akusadong sundalong Kano ay magsisimula pagkatapos na mangyari ang krimen.

DANIEL SMITH

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HARRY ROQUE

JEFFREY LAUDE

OLONGAPO PROSECUTORS OFFICE

PEMBERTON

PILIPINAS

PRIVATE FIRST CLASS JOSEPH SCOTT PEMBERTON

VISITING FORCES AGREEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with