^

Bansa

Mabigat na parusa sa hate crimes vs LGBT

Malou Escudero at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang pagpaslang sa Pinoy transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude ng isang US Marine, muling isinusulong kahapon sa Senado ang mas mabigat na parusa sa hate crimes laban sa lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT) community.

Ayon kay Sen. Bam Aquino, walang puwang ang hate crimes sa mga LGBT at iba pang minority groups sa bansa.

Naniniwala ang senador na ang pagpatay kay Laude sa Olongapo City ay hindi isolated case dahil sa mataas na bilang ng hate crimes laban sa LGBT sa bansa sa nakalipas na mga taon.

Binanggit ni Aquino ang ulat mula sa Philippine LGBT Hate Crime Watch, na mayroong 164 miyembro ng LGBTs sa bansa ang pinatay mula 1996 hanggang June 2012.

Nais ng panukala ni Aquino na ipagbawal at parusahan ang anumang uri ng diskriminasyon batay sa lahi, relihiyon o paniniwala, kasarian, sexual orientation, civil status, HIV status at iba pang kondisyong medikal.

Sa Kamara, nangako si Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon na bubuksan niya ang posibilidad ng paggawa at pagpapatibay ng isang “Anti-Hate Crime Law.”

Ayon kay Ridon, napag-iiwanan na ang Pilipinas ng ibang mga bansa sa mundo sa pagtugon sa suliranin sa hate crimes.

Tiniyak ng kongresista na sa oras na simulan na ng Kamara ang sarili nitong imbestigasyon sa Laude Murder Case ay isisingit niya ang usapin sa pagbuo ng Anti-Hate Crime Law.

Ang iba pang bansa na may hate-crime laws ay US, Canada, France, Germany, Greece, Spain at United Kingdom.

vuukle comment

ANTI-HATE CRIME LAW

AQUINO

AYON

BAM AQUINO

HATE

HATE CRIME WATCH

KABATAAN PARTYLIST REP

LAUDE MURDER CASE

OLONGAPO CITY

SA KAMARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with