^

Bansa

Dalin Liner nasampolan ng P1 M multa ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasampolan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng P1 milyong multa ang Dalin Bus Liner na may rutang Aparri-Manila matapos mahuli sa EDSA na may expired certificate of public convenience pero patuloy pa rin ang pamamasada.

Una nang pinagpapaliwanag ng LTFRB board ang pamunuan ng naturang bus company kung bakit ayaw mag-renew ng kanilang franchise.

Dahil sa patuloy na pag-isnab ng Dalin Liner sa utos ng LTFRB, tuluyan nang ipinatigil ng ahensiya ang operasyon nito.

Sinasabing upang makapasada pa rin kahit expired ang franchise ay nabiyahe pa rin ito sa pamamagitan ng paggamit ng ibang plaka ng kanilang sasakyan.

Ayon sa LTFRB, mula November 26,2001 ay expired na ang franchise ng naturang bus company.

Inatasan na rin ng LTFRB na isurender sa ahensiya ang yellow plates ng kanilang mga bus units at pinagmumulta ito ng P1 milyon para sa isang unit ng bus company na nahuli ng mga operatiba ng ahensiya kahapon na namamasada sa may Balintawak, QC na nangongolorum.

Pinayuhan din ni LTFRB Chair Winston Ginez ang mga pasahero na huwag sasakay sa alinmang bus ng Dalin Liner dahil kapag nasangkot ito sa aksidente ay hindi sila mabibigyan ng kaukulang tulong nito dahil wala na itong permit na mag-operate.

vuukle comment

APARRI-MANILA

AYON

BALINTAWAK

BUS

CHAIR WINSTON GINEZ

DAHIL

DALIN BUS LINER

DALIN LINER

INATASAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with