^

Bansa

Pay ng guro P36k Bill ni Trillanes

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniharap kahapon ni Sen. Antonio Trillanes ang isang panukalang batas na nagtatakda na tataasan ang sahod ng mga public school teachers mula sa buwanang P18,549 na gagawing P36, 567.

Bukod dito, ipinapanukala rin sa bill na lilikha ng mga plantilla positions para sa mga boluntaryong guro.

“Ang ating mga guro ay ang pangunahing taga­pagsulong ng edukasyon sa ating bansa. Sila ay tinitingala at tinuturing na tagapaghubog ng mga kabataan,” anang senador.

Pinuna ni Trillanes na sa kabila ng sakripisyo ng mga guro, sila ay isa sa may pinakamaliit na natatanggap na sahod at ‘di nabibigyang pansin na propesyon sa bansa. Si Trillanes ang  tagapangulo ng Senate Committee on Civil Service and Government Reorganization.

Sa ilalim ng SBN 487, ang minimum salary grade ng mga guro sa mga pampublikong paaralan ay itataas sa Salary Grade 20 na may katumbas na P36, 567.00 base sa kasalukuyang Salary Standardization Law, mula sa kasalukuyang Salary Grade 11 na may katumbas na P18,549.00 lamang.

Ang nasabing pagtaas, ayon kay Trillanes, ay magbibigay sa mga guro ng disenteng sahod na nararapat sa mga sakripis­yong ginagawa nila upang magkaroon ng maayos na edukasyon sa bansa.

Isa pang mahalagang panukala ay ang SBN 636 na naglalayong lumikha ng mga plantilla position sa Department of Education para sa mga boluntaryong guro na nagsisilbi sa mga pampublikong paaralan nang hindi bababa sa limang taong tuloy-tuloy na serbisyo.

“Sa halip na ipatupad ang ambisyosong K to 12 Program na magpapalala lamang sa nakapanlulumong kondisyon ng edukasyon sa bansa, dapat munang tugunan ng pamahalaan ang mga isyu na may kinalaman sa kapakanan ng ating mga guro,” binigyang-diin ni Trillanes

Si Trillanes ay isa sa mga may-akda ng Salary Standardization Law 3 na nagtaas ng sahod ng mga kawani ng gobyerno noong 2008.

ANTONIO TRILLANES

CIVIL SERVICE AND GOVERNMENT REORGANIZATION

DEPARTMENT OF EDUCATION

GURO

SALARY GRADE

SALARY STANDARDIZATION LAW

SI TRILLANES

TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with