^

Bansa

Moro history ituturo sa kolehiyo

Jess Diaz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inindorso ng House of Representatives committee on higher and technical education  ang isang panukalang-batas na nagtatadhana na isasama sa college curriculum bilang elective subject ang Moro history,  culture and identity studies.

Sinabi ng tagapangulo ng komite na si Pasig Rep. Roman Romulo  na napapanahon ang pagpapatibay ng kanyang komite sa House Bill 4832 lalo na at sinisikap ng  administrasyon na matamo ang kapayapaan sa Mindanao sa pamamagitan ng pagtatatag sa isang Bangsamoro regional entity.

Ipinaliwanag ni Romulo na, kung ituturo sa kolehiyo ang subject na merong kinalaman sa Moro, mahihikayat dito ang pagkilala sa ambag ng mamamayang Moro sa kasaysayan ng bansa.

Ang bill na inakda ni Lanao del Sur Congressman at House Deputy Speaker Pangalian Balindong ay nag-aatas sa lahat ng mga kolehiyo at pamantasan na ituro sa mga estudyante ang Moro history, culture and identity studies bilang elective subject.

Itatampok dito ang positibong relasyon ng mga Muslim at Kristiyano kabilang ang kanilang iisang pinagmulan at iba pang punto ng kanilang pagkakatulad bago pa dumating sa bansa ang Islam at Kristiyanismo.

Kabilang sa elective subject sa ilalim ng naturang panukalang-batas ang pag-unawa sa problema sa Mindanao at Moro problem at ang ugat ng mga tunggalian at ang epekto nito sa ibang bahagi ng bansa. Pag-uukulan dito ng pansin ang kasaysayan ng mga Muslim at ang pagkilala sa iba’t-ibang kultura at ethnic identities.

vuukle comment

BANGSAMORO

HOUSE BILL

HOUSE DEPUTY SPEAKER PANGALIAN BALINDONG

HOUSE OF REPRESENTATIVES

ININDORSO

IPINALIWANAG

MINDANAO

PASIG REP

ROMAN ROMULO

SUR CONGRESSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with