^

Bansa

Kaso vs Sulpicio binuhay ng SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makaraang paboran ng Supreme Court (SC) Second Division ang motion for reconsideration na inihain ng Office of the Solicitor General at Public Attorney’s Office (PAO), muling binuhay ang kasong kriminal laban sa may-ari ng Sulpicio Lines na si Edgar Go kaugnay ng lumubog na MV Princess of the Stars noong 2008 na ikinasawi ng halos 800 indibidwal.

Ayon kay Atty. Persida Rueda-Acosta, chief ng PAO, kinasuhan si Go dahil ito ang sinasabing nagma-manage ng barko at ito ang pumayag na maglayag ang MV Princess of the Stars kahit pa signal number 3 na.

Pinagkokomento ngayon ng korte si Go sa loob ng 10 araw. Una nang dinismis ng Court of Appeals (CA) ang naturang criminal case kay Go.

Sinabi ni Acosta na nakakita sila ng pag-asa na mabibigyan ng hustisya ang kaso dahil sa naging desisyon ng SC.

Bukod kay Go, naka­suhan din noon ang kapitan ng barko bagama’t hindi naging saklaw ng criminal case ang ibang may-ari ng Sulpicio. 

Tanging sa civil case lamang nahabla ang lahat ng may-ari at kapitan.

Walang nabilanggo sa mga kinasuhan dahil ang reckless imprudence ay may piyansa.

Magugunitang sa pa­na­nalasa ng bagyong Frank noong 2008, galing sa Manila Port ang M/V Princess of the Stars nang maglayag patungong Cebu kahit may nakataas nang babala ng bagyo.

 

COURT OF APPEALS

EDGAR GO

MANILA PORT

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

PERSIDA RUEDA-ACOSTA

PRINCESS OF THE STARS

PUBLIC ATTORNEY

SECOND DIVISION

SULPICIO LINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with