^

Bansa

Pabahay sa Mindanao binuksan ni VP Binay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Habang patuloy na sinisiraan si Vice President Jejomar Binay ng kanyang mga kalaban, determinado pa rin siyang gampanan ang kanyang tungkulin bilang pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Kasabay nito, binisita niya ang Sarangani, Sultan Kudarat, North at South Cotabato, at ang lunsod na ito sa kanyang three-day sortie sa rehiyon.

Dumating dito si Binay noong Lunes at dinalaw ang city public market. Sinamahan siya rito nina eight-division boxing champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao, at Mayor Ronnel Rivera sa isang boodle fight.

Mula dito, dumiretso ang Bise Presidente at ang kanyang entourage sa Lagao National High School para dumalo rito bilang panauhing tagapagsalita.

Si Binay na tagapa­ngulo ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) ay nagtungo rin sa Tupi, South Cotabato para magsagawa ng site inspection sa Bagong Buhay Resettlement Project at makipagdayalogo sa mga benepisyaryo.

Sa sumunod na araw, nakipagkita si Binay sa mga lokal na lider sa Sultan Kudarat at South Cotabato at ilang bayan.

Pinasinayaan din niya ang Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) cen­ter sa Surallah town, South Cotabato at namigay ng mga wheelchairs at ibang medical equipment.

Noong Miyerkules ng umaga, nagtungo si Binay sa  Plaza Heneral Santos at Carlos P. Garcia Park at nagsagawa ng 12-round brisk walk kasama sina Pacquiao, Rivera at Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian.

Kasunod nito, dinalaw ng Bise Presidente ang burol ng OFW na si Mari­bel Hipolito at nagpahayag ng pakikiramay sa pamilya nito.

“Alam po ninyo itong si Maribel, namatay sa aksidente ito. Ngayon ko lang nalaman na may pinagagamot siya sa kanyang breast. Ang report sa amin dito, papunta siya sa final check up sa ospital nang mangyari yung aksidente,” sabi ni Binay. “Ito po ay member ng OWWA (Overseas Wor­kers Welfare Administration). Ang problema lang, hindi siya nakapag-renew ng membership,” dagdag ni Binay na siya ring Presidential Adviser on OFW Concerns.

Sinabi ni Binay na makikipag-ugnayan ang kanyang opisina sa Department of Foreign Affairs at OWWA  para matignan kung makakatanggap si Hipolito ng end of service benefits at insurance mula sa  employer nito.

Binanggit din ni Binay na ang pamilya ni Hipolito ay tatanggap ng P20,000 burial assistance mula sa Social Security System (SSS) at death benefit na katumbas ng kabuuang halaga ng kontribusyon nito.

Namatay si Hipolito sa Gizan noong Mayo 6 nang banggain ng isang trailer truck ang sinasakyan niyang taxi. Papuwi na sana siya sa kanyang bahay pagkatapos magpa-check up sa King Fahad Hospital.

 

BAGONG BUHAY RESETTLEMENT PROJECT

BINAY

BISE PRESIDENTE

CARLOS P

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GARCIA PARK

HIPOLITO

SOUTH COTABATO

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with