^

Bansa

Mayon nagparamdam uli

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos manahimik ng ilang araw, muling nag-alburoto ang bulkang Mayon sa Albay, Bicol.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapagtala ang Mayon ng 5 rockfall events sa nakalipas na 24 oras at bahagyang pagluluwa ng puting usok. 

Naglabas din ito ng asupre na may 387 tonelada pero hindi nakita ang crater glow sa nakalipas na magdamag. Patuloy naman ang ground deformation sa bulkan na bahagi pa rin ng pag-iipon ng lakas para sa ina­asahang pagsabog.

Nananatiling nasa alert level 3 ang bulkan at pa­tuloy na pinagbabawalan ang sinuman na pumasok sa 6 kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng bulkan at 7 kilometer  Extended Danger Zone (EDZ) sa may timog silangang bahagi ng bulkan dahil sa pagbagsak ng mga bato, landslides at sa inaasahang pagsabog ng naturang bulkan. 

Hindi naman kinumpirma ng Phivolcs na ang mu­ling pag-alburoto ng Mayon ay epekto ng naganap na “blood moon” nitong Miyerkoles dahil ang pagtahimik at muling pag-aalburoto umano ng bulkan ay bahagi lamang ng kundisyon ng inaasahang pagsabog nito. 

 

ALBAY

AYON

BICOL

EXTENDED DANGER ZONE

MAYON

PERMANENT DANGER ZONE

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHIVOLCS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with