^

Bansa

‘Korap’ officials ni PNoy lagot

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiyak na babagsak sa kalaboso ang mga tiwaling opisyal ng admi­nistrasyong Aquino kapag naging Presidente si Vice President Jejomar Binay.

Ito ang pahayag ng civil society group na ‘Movement for National Renewal’ (MNR), na nag­bunyag na tahasang tumanggi si Binay sa alok na tulong sa kanyang kandidatura ng administrasyon kapalit ng huwag papanagutin ang mga kontrobersyal na opisyal ni Presidente Aquino sa kanilang mga katiwalian.

Ayon pa sa MNR, ang “pagtanggi” ni Binay ang ginagamit umano ngayon ng Senado upang wakasan ang kandidatura ng bise presidente bilang pangulo sa 2016.

“If it’s true that VP Binay rejected a deal being offered by some Palace officials whereby they would support his candidacy in 2016 in exchange for their not being pro­secuted should he wins the presidency, then it has become clear to everyone that the SBRC (Senate Blue Ribbon Committee) probe is not in pursuit of the ‘truth’ or ‘justice’ but rather, to save the skin of these people and the freedom to enjoy the fruit of their misdeeds even after they left office,” paliwanag pa ng MNR.

Sa ilalim din umano nang senaryong “NOTA” (Non-Of-The-Above) na “niluluto” ng ilang grupo sa Palasyo, bahagi ng plano na unahing “gibain” si Binay at agad namang isulong ang ‘Cha-cha’ para sa kandidatura ni PNoy.

Ayon pa sa grupo, nasampahan na ng mga kaso si Binay sa Ombudsman patungkol sa isyu ng ‘overprice’ at dapat lang anila, “na bigyan ng pagkakataon ang korte na pag-aralan ang mga kaso na walang impluwensiya mula sa mga ‘nagpapasikat’ na miyembro ng Kongreso.”

Pinayuhan din ng ‘civil society group’ ang Senado na una­hing resolbahin ang mala­laking problema ng bansa at huwag ubusin ang pa­nahon upang busisiin ang mga bintang laban kay VP Binay.

Hindi anya pamban­sang pagkakaisa, bagkus, patuloy na pagkakahati ng bansa ang tanging idinudulot ng ginagawang imbestigasyon ng SBRC sa isyu ng umano’y ‘overprice’ Makati City Car Park Building na itinayo noong si Binay pa ang alkalde ng lungsod.

“More disgusting in the last several hearings of the SBRC is the fact that the probe is no longer just about the carpark building controversy but just about anything that would destroy the vice president’s chances in 2016 to include his purported ‘properties’ in Batangas,” anang grupo sa isang pahayag sa media.

Babala pa ng MNR, dapat din umanong ma­ging maingat ang mga senador upang hindi “ma­gamit” ng ilang paksyon sa Malacañang sa kanilang ambisyon na “durugin” si Binay upang “kumbinsihin” naman umano si Pang. Aquino na itulak ang Cha-cha (charter change) at muling makatakbo bilang presidente sa 2016 election.

 

AQUINO

AYON

BINAY

MAKATI CITY CAR PARK BUILDING

NATIONAL RENEWAL

PRESIDENTE AQUINO

SENADO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with