^

Bansa

PNoy hindi magre-resign

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang plano si Pa­ngulong Aquino na magbitiw sa kanyang puwesto sa gitna ng panawagan ng Simbahang Katoliko.

Ayon kay Communications Sec. Herminio Coloma, kung determinado ang Simbahan na isulong ang panawagan nilang pagbibitiw ng Pangulo ay determinado din si PNoy na ituloy ang kanyang paglilingkod sa bayan na kanyang sinumpaan ng mahalal itong pangulo ng bansa.

“Determinado po ang ating Pangulo na ipagpatuloy ang kanyang pag­lilingkod at ipatupad ang mga repormang ipinangako sa mga mamamayan. At sa amin pong palagay ang inyong ipinahayag ay isang bahagi lamang ng opinyon ng isang sektor. Hindi po ‘yan ang sumasalamin sa opinyon ng mayorya ng ating mga mamamayan na patuloy na sumusuporta sa lide­rato ng ating Pangulo at patuloy na nagtitiwala sa kanyang pagiging lider ng ating bansa,” paliwanag ni Coloma.

Magugunita na nag­lunsad ng signature campaign ang National Transformation Council (NTC) na kinabibilangan ng mga lider ng Simbahan upang isulong ang panawagang magbitiw si Aquino dahil nawalan na raw ng tiwala ang taumbayan sa liderato nito.

Kulang din umano sa kakayahan si Aquino na pamunuan ang Pilipinas na patunay ng kahinaan ng Pangulo ang naglalabasang ulat ng katiwalian ng kanyang kaalyado.

Paliwanag pa ni Linga­yen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na ito rin ang isa sa dahilan kung bakit hindi na dapat pang tumakbo sa ikalawang termino ang Pangulo na umaasa lamang sa dikta ng kaniyang mga kaalyado.

AQUINO

AYON

COMMUNICATIONS SEC

DAGUPAN ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

HERMINIO COLOMA

NATIONAL TRANSFORMATION COUNCIL

PANGULO

SIMBAHAN

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with