^

Bansa

Bullet proof SUV pahiram lang

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil puwedeng ma­ging target sa ambush, ipinahiram lamang kay Purisima ang ginamit nitong kulay itim na mamahaling bullet proof SUV na nakitang isa sa ginagamit nitong behikulo.

Sa press briefing, ipinaliwanag ni Purisima na hindi sa kaniya ang nasabing SUV kundi sa kaniyang kaibigan na nagmamalasakit lamang sa kaniya kaya ito ipinahihiram sa kaniyang mga lakad.

Ayon sa PNP Chief, dahil sa kaniyang trabaho at maraming galit sa kaniya ay hindi malayong may magtangkang mang-ambush kaya mas mabuti na ang mag-ingat.

Gayunman, tumanggi naman si Purisima na tukuyin kung sino ang kaniyang kaibigan na nagpahiram ng magarbo at mamahaling behikulo.

Sinabi nito na walang lilikhaing ‘conflict of interest’ ang pagpapahiram ng behikulo dahil wala namang transaksyon o negosyo sa PNP ang kaniyang mabait at mapagmalasakit na kaibigang nagpahiram nito.

 

vuukle comment

AMBUSH

AYON

BEHIKULO

DAHIL

GAYUNMAN

KANIYA

KANIYANG

PURISIMA

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with