^

Bansa

PNoy binatikos ang 'mission impossible' ng Pinoy peacekeepers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Kinilala ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Miyerkules ang kagitingang ginawa ng Pinoy peacekeepers sa Golan Heights kontra sa mga rebeldeng Syrian.

Sinabi ni Aquino na sa kabila ng “mission impossible” ay nagampanan ng sundalong Pilipino ang kanilang tungkulin.

"[S]a kalidad ng inyong pamumuno at sa inyong pagsasanay, talaga namang nagampanan niyo ang inyong tungkulin," wika ng Pangulo sa welcome ceremony ng Malacañang para sa peacekeepers.

"Kinaya niyo ang misyon, maski na limitado ang ating resources o kakayahan."

Inalala ni Aquino ang pag-pull out sana ng mga peacekeeper dahil sa hindi malinaw na misyon.

"[H]indi maliwanag ang misyon na itinalakay sa atin o ibinigay sa atin, at tila itong misyon na'to ayoko naman hong ipadala, bilang inyong Commander-in-Chief at Ama ng Bayan, dadalhin kayo sa isang mission impossible. 'Di ho natin pinapasukan 'yan," sabi ni Aquino.

Nitong Agosto ay 40 peacekeepers ang naipit sa Golan Heights ng dalawang araw kung saan nakipagpalitan sila ng putok sa mga rebelde.

Nakatakas ang mga Pinoy sa kabila ng kautusan ng United Nations Disengagement Observer Force commander na isuko ang kanilang armas, kung saan binansagan itong “greatest escape.”

"Pag tayo’y ginawang hostage, eh ‘di lalong magiging komplikado ang problema. At talagang limitado naman ang kakayahan natin na magpadala ng rescue force dito. At ating pinanindigan ito," pagpapatuloy ng Pangulo.

Sa ngayon ay hinihintay ng Pilipinas ang resulta ng imbestigasyon ng UN sa insidente bago magdesisyon kung magpapadala pa ng mga sundalo sa ibang bansa.

"Hinihintay natin ngayon ang imbestigasyon ng UN tungkol sa nangyaring insidente at 'yon ang magiging basehan kung tayo'y makikisama pa sa ibang mga pangangailangan ng pandaigdigang komunidad," paliwanag ni Aquino.

"Ulitin ko lang ho, hindi puwedeng dadalhin ang ating mga tropa habang tumutulong sa isang sitwasyon na kung saan imposible o hindi maliwanag ang misyon na kanilang ginagampanan. Importante ho ang buhay ng bawat isa.”

AQUINO

GOLAN HEIGHTS

NITONG AGOSTO

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PINOY

UNITED NATIONS DISENGAGEMENT OBSERVER FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with