MANILA, Philippines – Isinusulong sa Kamara ang pagbabawal na sa paggamit sa sidewalks at kalsada bilang paradahan, laruan o pagtatayuan ng negosyo.
Sa House bill 4986 ni Albay Rep. Francis Bichara, itinatakda nito ang multang P10,000 sa mga lalabag dito.
Paliwanag ni Bichara, araw-araw na nalalagay sa panganib ang mga pedestrian dahil sa hindi nila magamit sa tama ang sidewalks.
Dahil dito kaya napipilitan ang mga pedestrian na maglakad mismo sa kalye dahil okupado ng mga sasakyan ang sidewalk o kaya naman ay maraming ambulant vendors.
Nakakadagdag din umano ito sa problema sa karaniwan ng masikip na daloy ng trapiko sa mga lansangan sa Metro Manila.
Sa ilalim ng sidewalk and road use act ni Bichara, inaatasan nito ang Local Government Units (LGUs) o alinmang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na magtakda ng lugar na pwedeng magamit na paradahan o terminal ng PUVs, libre o may bayad man.