^

Bansa

16 bus ng Victory Liner sinuspinde

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 30 araw ang operasyon ng 16 bus ng Victory Liner makaraang mamatay ang konduktor ng isa nitong bus at makasugat ng 22 pasahero sa naganap na banggaan ng bus at trak sa North Luzon Expressway sa Mexico, Pampanga nitong nagdaang araw.

Ang 16 na unit ay kasama sa franchise ng isang unit ng bus ng Victory liner na sangkot sa naturang aksidente na may rutang Sta. Cruz Zambales at Pasay City, Metro Manila at vice versa.

Ayon sa LTFRB, bukod sa suspension order, sasailalim din sa road safety seminar ang mga driver ng naturang kumpanya ng bus at takdang kumpiskahin ang plaka ng naturang mga sasakyan sa Lunes.

Itinakda ng ahensiya ang pagsasagawa ng hearing sa Oktubre 7 ng LTFRB board sa naturang insidente para matiyak ang mga parusang maaari pang maigawad sa bus company. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

BUS

CRUZ

CRUZ ZAMBALES

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METRO MANILA

NORTH LUZON EXPRESSWAY

PASAY CITY

VICTORY LINER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with