^

Bansa

Abaya ‘di magreresign

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang balak magbakasyon o kusang magbitiw sa puwesto si Department of Transportation and Communication (DOTC) Sec. Joseph Emilio Abaya sa gitna ng ginagawang imbestigasyon ng Ombudsman sa umano’y maanomalyang kontrata sa Metro Rail Transit (MRT).

Sa panayam kay Abaya sa Kamara sa ginanap na budget deliberation, sinabi nito na maghihintay siya ng instructions ni Pangulong Aquino at susundin niya agad kung ano ang direktiba nito.

Giit ng Kalihim, hindi umano ito basta magbibitiw o magbabakasyon dahil mas disservice sa publiko kung bigla niyang iiwan ang DOTC sa gitna ng kinakaharap nitong mabibigat na problema.

Subalit kapag ginusto umano ng Presidente ay hindi na ito magdadalawang salita at aalis agad siya sa pwesto.

Siniguro naman ni Abaya na haharapin niya ang imbestigasyon ng Ombudsman at ibibigay ang kanyang full cooperation tulad ng ibinigay nila sa National Bureau of Investigation, Kamara at Senado.

ABAYA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

GIIT

JOSEPH EMILIO ABAYA

KALIHIM

KAMARA

METRO RAIL TRANSIT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG AQUINO

SENADO

SINIGURO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with