^

Bansa

Bidding sa Makati projects 'moro moro'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang nangyaring bidding sa lahat ng proyekto sa ilalim ng pamumuno ni dating Makati Mayor at ngayo'y Bise-Presidente Jejomar Binay, ayon sa dating konsehal ng lungsod.

Sinabi ng dating konsehal na si Ernesto Aspillaga na walang nangyaring bidding mula noong 1996 hanggang 2003 nang hinawakan niya ang Makati City general services department.

"Aaminin ko po, 'yun po ay bidding-biddingan o sinasabi nga po ay Moro-Moro bidding po," wika ni Aspillaga sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano'y overpriced na Makati City Hall II parking building.

Kaugnay na balita: Junjun Binay binalewala ang subpoena ng Senado

Dagdag niya na dati siyang miyembro ng  bids and awards committee ng lungsod, kung saan siya pa ang nag-aasikaso ng mga papeles.

Aniya siya rin ang tumatanggap ng mga purchase request ni Binay na mismong ang dating alkalde ang nagsulat kung sino ang nanalo sa “bidding” at kukuning supplier sa bawat proyekto.

"Pamilyar naman po ako sa kanyang penmanship or handwriting kaya masasabi ko pong siya (Binay) ang sumulat po noon.

Kaugnay na balita: Pamilyang Binay sumuko na - Trillanes

Isiniwalat pa ni Aspillaga na ganoon din ang nangyari noong si Elenita Binay, asawa ng bise-presidente, ang umupo sa puwesto noong 1998 hanggang 2001.

Sinabi pa ng dating konsehal na nakatatanggap pa siya ng buwanang allowance na P70,000 hanggang P90,000 mula kay Binay at minsan ay naglalaro pa sa P300,000 hanggang P500,000.

Samantala, sinuportahan din ng  natalo sa bidding para sa “parking building” ang pahayag ni Aspillaga.

Sinabi ni Alejandro Tengco, pinuno ng JBros Construction Corp. na hindi man lamang sila lumahok sa bidding process.

vuukle comment

ALEJANDRO TENGCO

ASPILLAGA

BIDDING

BINAY

BISE-PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

CONSTRUCTION CORP

ELENITA BINAY

JUNJUN BINAY

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with