^

Bansa

Duterte mas nais mamatay kaysa maging presidente

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Davao City Mayor Rodrigo na wala siyang planong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa kabila ng mga panawagan na sumali siya sa pangpanguluhan sa 2016.

Sinabi ni Duterte kahapon na nanaisin pa niyang mamatay kaysa maging pangulo ng bansa.

"I'd rather retire. I would rather that I die early than become a president," pahayag ng alkalde sa isang lokal na programa sa telebisyon.

Nagpahayag din ng pagkadismaya si Duterte sa mga nasa likod ng “Duterte for President movement” na nangangalap na ng mga lagda upang ipakita ang pagsuporta sa alkalde.

"I really want to kill whoever started this all. It's already out of hand. I do not like Malacañan [Palace]. Medyo malamig at maraming multo.”

Ang pribadong grupong Center for Enterprise Advancement ang nanguna sa pangangalap ng lagda matapos nilang hangaan ang pamamalakad ng alkalde sa lungsod ng Davao na kilala sa kalinisan at kaayusan.

Nauna nang inihayag ni Senador Miriam Defensor-Santiago na nais niyang makatambal si Duterte ngunit tinanggihan ito ng aklade.

Samantala, pinabulaan din ni Duterte na siya ang nasa likod ng naturang pagkilos.

"Do not get swayed. I am not running. I don't need your money.”

DAVAO

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO

DUTERTE

ENTERPRISE ADVANCEMENT

MALACA

MEDYO

MIRIAM-DUTERTE

SENADOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with