Kahit nasa abroad: PNoy nakamonitor sa pinsala ni Mario
MANILA, Philippines - Kahit nasa ibang bansa, tiniyak kahapon ng Malacañang na updated si Pangulong Aquino at alam nito ang lawak ng pinsala na iniwan ng bagyong Mario.
Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, alam pa rin ng Pangulo ang mga nangyayari sa bansa lalo na’t hinagupit ang Luzon ng nakaraang bagyo.
Itutuloy pa rin aniya ng Pangulo ang mga lakad nito na pupunta sa Amerika matapos ang biyahe sa Europa.
Ayon pa kay Lacierda, pinadadalhan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng updates si PNoy na nagbibigay naman ng atas kay Executive Sec. Paquito Ochoa, Jr.
Dumating ang bagyong Mario sa Pilipinas habang nasa Europa ang Pangulo.
Magtutungo rin ang Pangulo sa New York upang dumalo sa United Nations Global Climate Change Summit.
Sa Setyembre 25 naman ito inaasahang babalik sa Pilipinas.
Samantala, tiniyak din kahapon ng Palasyo na mag-iikot sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Mario ang mga miyembro ng Gabinete na naiwan sa Maynila. (Malou Escudero)
- Latest