^

Bansa

Tulong ng DOH hiningi sa pagkamatay ng sanggol

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela ng tulong ang isang mag-asawa sa Department of Health (DOH) upang maimbestigahan ang umano’y ginawang kapabayaan ng isang Lying In sa Putatan, Muntinlupa City noong Agosto 22, 2014.

Sa pahayag ni Ludy Tomenio, alas-11 ng gabi ng Agosto 21 nang magsimulang mag-labor ang kanyang asawang si Jacque. Ang due date ni Jacque ay Agosto 21. Dakong alas 8:30 ng umaga ng Agosto 22 nang mag­desisyon na ang kanilang  OB Gyne na i-admit na sa lying-in dahil batay sa IE.

Ayon kay Ludy, bagama’t ginawa na lahat ng  mga tauhan ng lying-in ang lahat hindi naman maipaliwanag sa kanya ang sitwasyon ng kanyang asawa at sa halip ay sinasabing ‘walang problema’ at ‘ok naman ang lahat’ hanggang sa umabot sa Agosto 23 ang pagle-labor ng kanyang misis.

Subalit tumagal pa ang kanyang misis sa lying-in at sinabihan na siya nang handa nang manganak ito. Nagtataka naman siya nang bigla siyang sabihan na ililipat na lamang ng ospital na kanya namang sinang-ayunan.

Batay naman sa pahayag ni Jacque, walang nag-aasikaso sa kanya sa loob ng labor room at sa halip ay pinababayaan lamang umano siya ng mga staff at hinihintay ang paglabas ng sanggol.

Agosto 23 na nang mailabas ni Jacque ang sanggol ng hindi umano niya narinig na umiyak o gumagalaw man lang. Katwiran umano ng mga staff, naubusan ng oxygen ang sanggol.

Bunsod nito, minabuti nilang humingi ng  medical abstract subalit pinagbabalik-balik naman siya ng lying-in hanggang sa ibigay  ito ng walang doctor na nakapirma.

Hinala ng mag-asawa, posibleng  may  kapabayaang nangyari sa proseso ng  pagpapaanak kay Jacque at anomalya sa  pagri-release ng medical abstract.

Nais ng mag-asawa na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang sanggol at maparusahan ang mga nagpabaya.

AGOSTO

AYON

BATAY

DEPARTMENT OF HEALTH

JACQUE

LUDY TOMENIO

LYING IN

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with