^

Bansa

Emergency powers hihingin ni PNoy vs krisis sa kuryente

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Para malutas ang ina­asahang power crisis sa susunod na taon ay hi­hingi na si Pangulong Aquino ng emergency powers sa Kongreso.

Sinabi ng Pangulo sa pagdalo nito sa ground breaking ceremony ng Pagbilao III power plant na ginanap sa Makati City, hihilingin niya sa Kongreso na magpasa ng joint resolution na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan upang makapasok ang gobyerno sa contract additional generating capacity.

Naunang sinabi ni Energy Sec. Jericho Petilla na dapat hu­mingi ng emergency powers ang Pangulo upang mabigyan ng solusyon ang inaasahang power crisis sa susunod na taon dahil sa inaasahang 300 megawatts kakulangan sa suplay.

Kapag binigyan ng Kongreso ng emergency power si PNoy ay i-invoke nito ang section 71 ng EPIRA Law.

“To be more efficient and impactful in our efforts­, very soon, we will formally ask Congress for a joint resolution, that will authorize the national government to contract an additional generating capacity to address the 300-megawatt projected deficit, and, on top of that, to have sufficient regulating reserves equivalent to four percent of peak demand, for another 300 megawatts,” giit pa ni Pangulong Aquino.

 

ENERGY SEC

JERICHO PETILLA

KAPAG

KONGRESO

MAKATI CITY

NAUNANG

PAGBILAO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with