^

Bansa

HRET decision hiling ipagpaliban

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hihilingin ng kampo ni Marinduque Congw. Gina Reyes sa House of Representatives Electoral Tribunal na ipagpaliban muna ang paglalabas ng mga desisyon kaugnay sa kanyang electoral case.

Ayon kay Atty. Harry Roque, abogado ni Reyes, maghahain sila ng mosyon sa HRET ngayong araw para hilingin na suspendihin muna ang proceedings sa nasabing kaso.

Hanggang ngayon wala pa raw silang natatanggap na kopya ng desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura sa apila ni Reyes na palitan sina Justice Presbitero Velasco bilang HRET chairman at mga mi­yembro na mahistrado rin ng SC.

Sa Sept. 11 inaasa­hang magbobotohan ang HRET sa kaso ni Reyes kaya naman nanga­ngamba ang kongresista sa maaaring kahinatnan ng kanyang kaso at hindi na naman makakuha ng patas na trato.

Anak ni Justice Velasco ang kanyang nakatunggali na si Lord Alan Velasco.

 

GINA REYES

HARRY ROQUE

HOUSE OF REPRESENTATIVES ELECTORAL TRIBUNAL

JUSTICE PRESBITERO VELASCO

JUSTICE VELASCO

KORTE SUPREMA

LORD ALAN VELASCO

MARINDUQUE CONGW

REYES

SA SEPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with