^

Bansa

Pinag-aaralan ng DOJ testigo sa overpricing sa Makati ilalagay sa WPP?

Doris Franche-Borja at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni  Justice Secretary Leila de Lima na pinag-aaralan na nila ang pagpapasailalim sa Witness Protection Program sa ilang testigo sa imbestigasyon sa umano’y overpriced na Makati City Hall 2 na kilala rin bilang Makati Parking Building.

Ayon kay  De Lima, kanila nang natanggap ang sulat ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kahilingan.

Kabilang sa mga hiniling ng Senado na maisai­lalim sa Witness Protection Program (WPP) si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado na umaming nakinabang sa proyekto maging sina Atty. Renato Bondal at Nicolas Enciso VI.

May pondong P2.4 bilyon, itinayo ang kontrobersyal na gusali noong 2007 at natapos noong 2013, sakop ng magkasunod na panunungkulan ng mag-amang Vice President Jejomar  Binay at Junjun Binay.

Sinabi ni  De Lima na hindi naman umano maaaring agad-agad na ilagay sa WPP ang  mga testigo kaya kailangan ding imbestigahan ang motibo ng mga ito at ang ebidensiya na kanilang hawak.

Samantala, sa gitna ng isyu tungkol sa umano’y pangbu-bully ni Senator Antonio Trillanes sa kinatawan ng Hilmarc’s Construction sa hearings ng Senate Blue Ribbon Committee,  iginiit kahapon ni Senator Nancy Binay sa Senate sergeant-at-arms na ilabas ang kuha ng CCTV sa nasabing partikular na pagdinig.

Sa sulat na may petsang Setyembre 4, 2014, hiniling ni Binay kay retired Major General Jose Balajadia Jr.  na ilabas ang footages ng hearings noong  Agosto 20 at 24.

Ayon kay Binay, maku-kumpirma sa nasabing footages kung totoong nam-bully ng testigo si Trillanes.

Dapat aniyang tingnan ng Senado ang nasabing insidente dahil may kinalaman ito sa asal ng isang senador at kung papaano niya tratuhin ang isang resource person.

Kinumpirma noong Setyembre 4 ni Attorney Rogelio Peig, assistant vice president for legal ng Hilmarc’s Construction, ang kontraktor ng Makati City Hall Building Two, na isang miyembro ng komite ang kumausap sa kanya sa labas ng Senate session hall.

ATTORNEY ROGELIO PEIG

AYON

BINAY

DE LIMA

HILMARC

JUNJUN BINAY

JUSTICE SECRETARY LEILA

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

WITNESS PROTECTION PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with