AFP tigil muna sa pagpapadala ng Pinoy peacekeepers sa Liberia
MANILA, Philippines - Tigil muna pansamantala ang pagpapadala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga peacekeepers sa Liberia na kabilang sa dumaranas ng Ebola virus.
Ayon kay AFP spokesman Major Domingo Tutaan Jr., hangga’t hindi Ebola free ang nasabing bansa ay hindi muna magpapadala ang AFP ng mga peacekeepers doon.
Ang Liberia, Sierra Leone at Guinea ay kabilang sa tatlong bansa sa West Africa na tinamaan ng Ebola. Mahigit 2,000 katao na ang nasasawi sa sakit.
Sa kasalukuyan ay nasa 115 ang AFP peacekeepers sa Liberia na nagtapos na ng tour of duty nitong Agosto.
Gayunman, ayon kay Tutaan ay kailangan muna ang mga itong sumailalim sa proseso ng quarantine bago umuwi sa Pilipinas.
- Latest