Hirit sa Kamara: Magsasaka ilibre sa irrigation fee
MANILA, Philippines - Iminungkahi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na huwag nang pagbayarin ng irrigation fee ang mga magsasaka.
Sinabi ni Colmenares na masyadong mabigat ang P4,500 kada ektarya na binabayaran ng mga magsasaka para sa patubig sa kanilang sakahan.
Dagdag pa ng kongresista na hindi na nakakapagtaka na pinapadapa ng Vietnam at India ang mga magsasakang Pinoy dahil halos wala ng kinikita ang mga ito.
Noong nakaraang taon umabot umano ng P1.6 bilyon ang kinita ng National Irrigation Administration (NIA) sa irrigation fees pa lamang.
Paliwanag naman ni NIA administrator Florencio Padernal, ang kanilang ahensya ay Government Owned and Corporation (GOCC) na kailangang kumita.
Ang irrigation fee umano ay balik lamang sa itinatayong mga imprastraktura ng pamahalaan tulad ng irrigation network.
- Latest