LPA nag-landfall sa Aurora
MANILA, Philippines - Nag-landfall na kahapon ng madaling araw ang low pressure area sa may Casiguran, Aurora.
Bunga nito, patuloy na binabalaan ng PAGASA ang mga residente sa malaking bahagi ng bansa laluna sa Luzon dahil sa mga pag-uulan na dulot ng LPA.
Gayunman, nilinaw ng PAGASA na hindi lamang Luzon areas ang makakaranas ng mga pag-uulan kundi ang mga lugar sa Visayas at Mindanao dahil naman sa mga local thunderstorms.
Partikular na tinukoy ng PAGASA ang buong Luzon, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga region na makakaranas ng mga pag-ulan.
Tumaas naman ang posibilidad na maging ganap na bagyo ang ikalawang LPA na nasa karagatang Pasipiko.
Sakaling mabuo itong bagyo ay papangalanang Karding.
- Latest