^

Bansa

Mayon at Taal tuloy ang pag-alboroto

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patuloy ang pag-aalboroto ng bulkang Mayon sa Bicol at bulkang Taal sa Batangas.

Ayon sa Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), sa nakalipas na 24 oras, ang Mayon ay nagtala ng isang volcanic earthquake at may katamtamang paglalabas ng puting usok.

Patuloy din ang pag­luwa ng bulkan ng asupre na may 611 tonelada kada araw.

Ang naturang mga aktibidad ng Mayon ay dulot ng patuloy na pagtaas ng volcanic gas emission at bahagyang pagkakaroon ng magma.

Nananatiling nasa alert level 2 ang bulkan at ipinagbabawal sa sinuman ang pagpunta sa loob ng 6 km danger zone sa paligid nito.

Samantala, dalawang volcanic quakes ang naitala ng Phivolcs sa Taal sa nakalipas na 24 oras.

Patuloy din ang pagtaas ng temperature ng tubig sa may main crater lake ng bulkan at nagkaroon ng pagtaas ng water level doon.

May carbon dioxide (CO2) emission din sa main Crater Lake nito mula 698 tonelada kada araw ay naging 1800 tonelada kada araw.

Nananatiling nasa alert Level 1 ang Taal at patuloy ding pinagbabawalan ang sinuman na lumapit sa may Main Crater nito dahil sa epekto ng toxic gases na nagmumula sa bunganga ng bulkan.

 

AYON

CRATER LAKE

MAIN CRATER

MAYON

NANANATILING

PATULOY

PHILIPPINE INS

PHIVOLCS

VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with