^

Bansa

Bidding sa Makati ‘lutong makaw’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Inamin kahapon ng dating opisyal ng Makati  na “niluto” ang bidding sa kontrobersiyal na Makati Parking Building II.

Ito ang pasabog ng testigong si Engr. Mario Hechanova na humarap sa Senate Blue Ribon Committee. 

Ayon kay Hechanova, dating head ng General Services Department ng Makati at vice chair ng Bid and Awards Committee, karamihan sa infrastructure project sa lungsod noong panahon ni Vice Pres. Jejomar Binay ay inilalaan na umano sa mga piling contractor at hindi idinadaan sa bidding na required sa ilalim ng procurement laws ng bansa.

Wika ni Hechanova, inutusan siya noon ni dating city Engr. Nelson Morales na ‘lutuin’ ang bidding ng kontrobersiyal na Makati parking.

“Bago ipa-bid ang project na ito, ipinatawag ako ng City Engineer namin, pinapunta ako sa opisina nya. Mario gaya nang dati, alam mo na kung sino ang dapat manalo sa project na ito,” ani Hechanova.

Nang tanungin ni Sen. Antonio Trillanes kung sino ang dapat manalo sa bidding, sumagot si Hechanova na ang Hilmarc’s Construction.

Ayon pa kay Hechanova, si Morales ay alte­­r-e­­go umano ni Binay.

Idinagdag nito na mismong ang BAC pa umano ang kumukuha ng makakalabang bidders na alam umanong scripted ang bidding.

Sa pagtatanong ni Sen. Alan Peter S. Ca­yetano, napag-alaman na pati ang gusali sa Ospital ng Makati, Makati Science High School at ang 22-storey Makati City Hall ay ibinigay din umano ni Binay sa HCC.

Bagamat sinabi ni Hechanova na hindi siya kumikita sa mga proyekto, inamin niya na binibigyan umano sila ni Binay ng P200,000 buwan-buwan bilang allowance. 

Ikinuwento rin ni Hecha­nova na minsan ay may sasali sa bidding ng fire fighting equipment na ikinulong nila sa elevator para ma-late ito at hindi makasipot.

Sinabi rin ni Hechanova na pinatay ng mga di-kilalang tao si Engr. Morales noong Setyembre 2012 at hanggang ngayon ay hindi pa nalulutas ng mga awtoridad ang nasabing kaso.

Ibinunyag din ni Hechanova na noong vice chairman pa siya ng BAC, ipinatawag siya ni VP Binay sa Mayor’s Office para tanungin kung bakit naaantala ang pagbayad ng City Hall sa mga cake na ipinamimigay sa senior citizens.

“Ang alam naming lahat, kay (Sen.) Nancy (Binay) ang negosyo ng cake at kinagagalitan ako ni Mayor (Jojo Binay) kapag tumatagal ang bayad,” dagdag pa niya.

Tiniyak rin ni Hechanova na mismong si VP Binay ang umamin na ang mga cakes umano ay nanggaling kay Sen. Binay.

Nauna ng itinanggi ni Sen. Binay na nagkaroon siya ng anumang tran­saksiyon sa gobyerno ng Makati ng unang maungkat ang sinasabing pagsu-suplay niya ng cake.

Pumayag naman si Hechanova na malagay sa witness protection prog­ram kung manganganib ang kanyang buhay.

 

vuukle comment

ALAN PETER S

ANTONIO TRILLANES

AYON

BID AND AWARDS COMMITTEE

BINAY

CITY ENGINEER

HECHANOVA

MAKATI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with