^

Bansa

Mag-amang Binay 'di ulit sumipot sa Makati 'parking' hearing

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa muling pagdinig ng Senado sa imbestigasyon ng umano'y overpriced na Makati City Hall II parking building, hindi dumalo ngayong Huwebes ang mag-amang Binay.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na hindi sumipot si Bise-Presidente Jejomar Binay, habang hindi rin nagtungo ang anak na si Makati Mayor Erwin “Junjun” Binay.

Sinabi ng nakatatandang Binay na hindi siya dadalo sa pagdinig dahil aniya'y hindi ito nagiging patas at sinisiraan lamang ang kaniyang pamilya.

Kaugnay na balita: VP Binay nakinabang sa Makati parking building

Nitong Lunes ay sinabi ni Makati Rep. Abigail Binay na wala namang pormal na imbitasyon o subpoena ang Senado upang mapilitang dumalo ang kanyang ama.

Nahaharap sa kasong plunder sina Jejomar at Junjun dahil sa overpriced na gusali na umabot sa higit P2 bilyon ang ginasta.

vuukle comment

ABIGAIL BINAY

BINAY

BISE-PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

HUWEBES

JUNJUN

MAKATI CITY HALL

MAKATI MAYOR ERWIN

MAKATI REP

NITONG LUNES

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with