^

Bansa

Misuari aarestuhin na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posible umanong magkaroon ng madugong komprontasyon sa gaga­wing pagsisilbi ng warrant of arrest­ sa puganteng si dating Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari.

Ito ang inamin kahapon ni Defense Secretary Voltaire Gazmin kaya nag-iingat ang joint operations ng militar at pulisya sa mga hakbang na isasagawa sa pag-aresto kay Misuari.

“We are assessing the situation to avoid a bloody confrontation in the ser­ving of the warrant of arrest (Misuari),” pahayag ni Gazmin.

Sa kasalukuyan ay napapalibutan ng militar si Misuari sa pinagtataguan nito sa Sulu.

Si Misuari ay nahaharap sa kasong rebelyon at itinuturong mastermind sa madugong Zamboanga City siege noong Setyembre 2013 na kumitil ng mahigit 200 katao na karamihan ay MNLF fighters­. Tumagal ng krisis ng 20 araw.

Sabi ni 2nd Marine Brigade Brig. Gen. Martin Pinto, Commander ng 2nd Marine Brigade na nakabase sa Sulu,  ayaw ng AFP troops na magkaroon ng ‘collateral da­mage’ kaya kailangan ang pag-iingat sa pagdakip kay Misuari.

“We want to avoid collateral damage, he is hiding­ in the community, ayaw nating madamay yung mga innocent ci­vilians sa area,” ani Pinto.

Nitong Agosto 24 ay namataan si Misuari sa isang lugar sa Panamao, Sulu na nanawagan ng kasarinlan sa itinatag nitong United Federated States of Bangsamoro Republik.

Iniulat din ni Habib Mudjahab Hashim, chairman ng MNLF’s Islamic Command Council na nasa 2,000 miyembro ng kanilang grupo ang dumalo sa ipinatawag na assembliya o pagtitipon ni Misuari sa Panamao.

 

 

CHAIRMAN NUR MISUARI

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

HABIB MUDJAHAB HASHIM

ISLAMIC COMMAND COUNCIL

MARINE BRIGADE

MARINE BRIGADE BRIG

MARTIN PINTO

MISUARI

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NITONG AGOSTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with