^

Bansa

Binay accuser kumambyo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bigla umanong kumambiyo si dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado sa sinabi niya sa harap ng Senate Blue Ribbon Committee noong Martes na kumita ng P1.5 bilyon ang dating al­kalde ng Makati na si Vice President Jejomar Binay sa konstruksyon ng Makati City Hall Building 2.

Nagulat umano ang mga miyembro ng media nang itinanggi ni Mercado ang nilalaman ng kanyang press release (PR) at si­nabing hindi niya kayang ipaliwanag ang kanyang alegasyon na may perang tinanggap si Binay.

“Hindi ko alam yung (press statement). Basta ako ang sinasabi ko kanina at titindigan ko, nung i-pre­sent sa akin yung building na yan, kasama ang plano at estimate, matatapos yan sa halagang P1.2-billion,” ani Mercado.

Itinanggi rin ni Mercado na namigay siya ng mga press releases sa Public Relations Information Bureau (PRIB) ng Senado kung saan nakasulat na nasa P1.5 bilyon ang kinita ni Binay.

“Wala akong sinasa­bing ganon (P1.5B para kay Binay). Ang sinasabi ko ay malinaw, wala akong sinasabi nang hindi totoo ha, lilinawin lang natin,” sabi pa ni Mercado.

Ipinamudmod ng grupo ni Mercado ang naturang press release isang oras bago isalang sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon sub-committee si Mercado kung saan inamin nito na siya mismo ay kumita rin sa pagpapagawa ng gusali.

Batay sa press statement, binulsa raw ni Binay ang may P1.5 bilyon na pampagawa ng Makati City Hall Building 2.

“Former Makati Vice Mayor Ernesto Mercado testified before the Senate Blue Ribbon Committee today and said that then mayor and now Vice President Jejomar Binay may have pocketed up to P1.5 billion in the construction of the controversial Makati parking building,” ani Mercado sa statement nito.

Hindi rin natukoy ni Mercado kung overpriced nga ang diumano’y P2.7 bilyon na Makati City Hall Building 2 dahil siya mismo ay walang hawak na dokumento na magpapatunay sa alegasyon, at sinabi pang hayaan na lang daw ang Commission on Audit ang mag-imbestiga sa isyu.

 

BINAY

FORMER MAKATI VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

MAKATI

MAKATI CITY HALL BUILDING

MAKATI CITY VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

MERCADO

PUBLIC RELATIONS INFORMATION BUREAU

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with