Misis ni Enzo Pastor kinasuhan na
MANILA, Philippines – Pormal nang sinampahan ng kaso ng Department of Justice (DOJ) ang misis ng pinatay na race car driver na si Enzo Pastor ngayong Huwebes.
Kasong parricide at frustrated murder ang inihain ng DOJ laban kay Dalia Guerrero Pastor na sinasabing may relasyon sa umano'y utak ng krimen na si Domingo "Sandy" De Guzman III.
Hiwalay na kasong murder, illegal possession of firearms and ammunitions at frustrated murder ang isinampa laban sa negosyanteng si De Guzman, habang murder at frustrated murder ang kay Pasay City Police Officer 2 Edgar Angel.
Naaresto na ng mga pulis sina De Guzman at Angel habang nananatiling laya si Dalia.
Kaugnay na balita: Asawa ni Enzo Pastor suspek na
Naunang naaresto noong Martes ng mga kapwa pulis si Angel na nagnguso kay De Guzman na siyang nagbayad sa kanya ng P100,000 upang itumba ang international race car driver.
- Latest