^

Bansa

Miriam ligtas na sa cancer, tatakbong pres. sa 2016

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Senator Miriam Defensor-Santiago na ligtas na siya sa cancer at tatakbo siyang presidente sa 2016 kung marami ang susuporta sa kanya katulad ni Fr. Joaquin Bernas na naniniwala sa kanyang kakayahan.

Ayon kay Santiago, natalo niya ang kanyang sakit na cancer at marami siyang “career options” na pinagpipilian lalo pa at hindi na siya maaring tumakbong senador sa 2016.

Sa isang TV show noong Martes, sinabi ni Fr. Bernas na dapat ng magpahinga si Pangulong Aquino upang pagbigyan naman ng pagkakataon si Santiago.

Si Bernas ay kilala sa larangan ng constitutional law at naging miyembro ng 1986 Constitutional Convention.

Sa ilalim ng 1987 Consti­tution, limitado ang termino ng Pangulo sa anim na taon.

Nitong Hulyo ay ini­hayag ni Santiago na may­roon siyang stage 4 lung cancer­ na nadiskubre umano noong Hunyo.

Ayon sa tanggapan ng senadora, noong Agosto 12 ay nagpalabas ng report tungkol sa PET/CT scan ang St. Lukes Medical Center sa Bonifacio, Global City na nagsa­sabing ang tumor sa ka­liwang baga ni Santiago ay mas lumiit na.

Sakaling tatakbo siyang muli, makikipag-alyansa­ si Miriam sa ibang partido tulad ng Liberal Party o Nacionalista Party­ na pinamumunuan ni dating­ Sen. Manny Villar.

AYON

CONSTITUTIONAL CONVENTION

GLOBAL CITY

JOAQUIN BERNAS

LIBERAL PARTY

MANNY VILLAR

NACIONALISTA PARTY

NITONG HULYO

PANGULONG AQUINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with