Recruitment ng ISIS sa Davao sinisilip ng AFP
MANILA, Philippines - Iniimbestigahan ng AFP-Eastern Mindanao Command (AFP-Eastmincom ) ang umano’y aktibong recruitment ng mga jihadist sa mga kabataang Pilipinong Muslim para sumapi sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na naglalayong isabak ang mga ito sa sumiklab na krisis sa giyera sa Gitnang Silangan.
Ayon kay AFP- Eastmincom Spokesman Captain Alberto Caber, ipinag-utos na ni AFP – Eastmincom Commander Lt. Gen. Ricardo Rainier Cruz ang masusing pagsasagawa ng intelligence monitoring at beripikasyon sa nasabing recruitment.
Ibinulgar ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang recruitment umano sa mga kabataang Muslim na Pinoy sa kanilang lungsod para magsanay sa ISIS na nagsimula nitong nakalipas na buwan na kanyang ikinababahala.
Magugunita na ibinulgar ni dating Pangulong Fidel Ramos na nasa 100 Pinoy Muslim galing Mindanao ang nagtungo sa Iraq at nagsasanay sa ISIS doon.
- Latest