Palasyo itinangging kumuha ng PR firm para pabanguhin si PNoy
MANILA, Philippines - Itinanggi ng Malacañang na kumuha ito ng isang international PR firm upang pagandahin ang imahe ni Pangulong Aquino na bumagsak umano dahil sa iba’t ibang isyu.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma na hindi na kailangang kumuha ng political strategist dahil naniniwala ang Palasyo na ang pinakamahusay na PR man ay walang iba kundi si Pangulong Aquino.
Napaulat na kinuha umano ni DILG Sec. Mar Roxas ang serbisyo ni Paul Bograd na isang international pollster at political strategist para resolbahin umano ang PR crisis ni Pangulong Aquino mula sa pabagsak na ratings nito sa mga surveys.
Kabilang sa isyung ibinabato laban sa Pangulo ay ang kontrobersyal na disbursement acceleration program (DAP) na idineklarang labag ng Korte Suprema.
- Latest