^

Bansa

Bgy. tanod gagamitin sa trapiko

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iminungkahi ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang paggamit sa mga barangay tanod upang makatulong sa pagmamando ng daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.

Ayon kay Atienza, hindi dapat maging katwiran ng MMDA na kulang sa tao dahil maaari naman nitong hingin ang tulong ng Local Government Units (LGUs) at Metro Mayors upang magamit ang may 2,000 barangay chairmen at mahigit sa 20,000 tanod upang maging bahagi ng kampanya upang mapaluwag ang daloy ng trapiko.

Dapat na rin makipag-ugnayan si MMDA chairman Francis Tolentino sa DPWH upang agad na matapos ang mga ongoing projects na nagiging dahilan ng pagliit ng mga lansangan na mula sa dating 4 o 5 lanes ay nagiging 1 o 2 lanes na lamang.

Dapat din anyang mahigpit na ipatupad ng MMDA ang traffic rules and regulations lalo na sa Edsa at C5 gayundin sa iba pang maliliit na lansangan na nagsisilbing alternate routes.

Giit din ni Atienza na hulihin ang mga jeepneys at bus drivers na ginagamit na terminal ang mga pangunahing kalsada.

vuukle comment

ATIENZA

AYON

BUHAY

DAPAT

EDSA

FRANCIS TOLENTINO

LITO ATIENZA

LOCAL GOVERNMENT UNITS

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO MAYORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with