^

Bansa

PNoy nag-’selfie’ sa pag- amyenda sa Constitution

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinuturing ng i­sang Obispo na ‘selfie move’ o ‘selfie motive’ ang umano’y pagnanais  ni Pangulong Aquino na amyendahan ang 1987 Constitution para alisin ang term limit ng Pangulo ng Pilipinas at bawasan ang kapangyarihan ng Supreme Court.

Ayon kay Malaybalay Bukidnon Bishop Jose Cabantan, hindi karapat-dapat na magkaroon ng Charter change para lamang sa karagdagang termino ni Pangulong Aquino lalo pa’t bahagi ito ng legacy ng kanyang ina at dating pangulong Cory Aquino upang maiwasan ang diktaduryang pamumuno sa Pilipinas.

Sinabi ng Obispo na bukod sa selfie motive, lumilitaw din ang ugaling diktador ng Pangulong Aquino sa pagsusulong na i-extend ang termino na matatapos sa 2016.

Kinondena rin ni Bishop Cabantan ang pagsusulong ng adminis­tration na amyendahan ang Saligang Batas para alisin ang judicial power to review ng Korte Suprema.

Iginiit ng Obispo na hindi makatarungang alisin ang kapangyarihan ng SC sa judicial review dahil wala ng makakapigil sa Executive branch sa bawat naisin kahit labag sa Batas.

Isa sa legacy ni ­dating pangulong Cory Aquino ang malabanan ang dictatorship noong 1965 hanggang 1986 o 21 taon na pamumuno ng da­ting Pangulong Marcos na nagpahirap sa bansa,” dagdag pahayag ng Obispo.

vuukle comment

BISHOP CABANTAN

CORY AQUINO

KORTE SUPREMA

MALAYBALAY BUKIDNON BISHOP JOSE CABANTAN

PANGULONG AQUINO

PANGULONG MARCOS

PILIPINAS

SALIGANG BATAS

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with