^

Bansa

Binay pinasasagot ng Ombudsman

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinasasagot ng Tanggapan ng Ombudsman sina Makati Mayor Jejomar Erwin “Jun Jun” Binay at 20 iba pa kaugnay sa mga paratang na grave abuse of authority, grave misconduct at gross neglect of duty na isinampa laban sa kanila kamakailan.

Ang mga reklamo ay isinampa ng grupong United Makati Against Corruption (UMAC) sa pangunguna ni Atty. Renato Bondal na nagsabing pinatungan umano ng humigit kumulang sa P1.6 bilyon ang konstruksyon ng Makati City Parking Building simula noong alkalde pa si Vice-President Jejomar Binay hanggang sa maluklok ang anak nitong si Jun-Jun.

Binigyan ng Ombudsman ng 10 araw pagka-tanggap sa kautusan ang mga sangkot sa kaso para magsumite ng kanilang counter-affidavit. Sa kanilang reklamo, sinabi ni Bondal na may P1.6 bilyon ang ginugol sa pagtatayo ng 11-palapag na gusali.

Nauna rito isiniwalat ng Commission on Audit (COA) na gumastos ang pamahalaan ng Makati City ng P2.7 bilyon para sa proyekto.

Ayon kay Bondal, dapat na 245 milyon at 558 daan libong piso at 248 piso lamang ang ginugol para sa gusali batay sa pagtaya ng National Statistics Office (NSO) ng tamang presyo ng konstruksyon noong panahong ginawa ang proyekto.

Nakatakdang maghain ng karagdagang reklamo si Bondal upang amyendahan ang naunang demanda na magpapakita ng kabuuang P2.7 bilyon na nagastos sa parking building sa darating na linggo.

Sa kabila nito, sinabi ni Makati City Resident Auditor Cecilia Caga-anan na matuwid lamang ang nagastos nina Binay na halaga sa gusali dahil kailangang tustusan ang pagpapatatag sa building dahil itinayo ito sa ‘di ka-kagandahang klase ng lupa.

Pinabulaanan ito ni Bondal na nagsabing ang reglamento sa pagtatayo ng mga gusali sa siyudad ay magkaka-halintulad at walang dahilan para umabot sa P2.7 bilyon ang gastusin sa parking building.

vuukle comment

BINAY

BONDAL

JUN JUN

MAKATI CITY

MAKATI CITY PARKING BUILDING

MAKATI CITY RESIDENT AUDITOR CECILIA CAGA

MAKATI MAYOR JEJOMAR ERWIN

NATIONAL STATISTICS OFFICE

RENATO BONDAL

UNITED MAKATI AGAINST CORRUPTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with