^

Bansa

Palparan mas gusto sa NBI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ni retired M/Gen. Jovito Palparan sa korte ang kanyang pa­nanatili sa National Bureau of Investigation (NBI) sa halip na sa Bulacan Provincial Jail.

Sa urgent ex-parte motion to stay detention, hiniling ni Palparan kay Judge Teodora Gonzalez ng Malolos RTC Branch 14 na irekonsidera ang paglilipat dahil sa isyu ng seguridad.

Nakasaad sa kanyang mosyon na may intel reports na hawak ang mga sundalo na nagsasabing bumuo na ang New People’s Army ng liquidation squad na nagbabalak pumatay kay Palparan kaya kailangang matiyak ang kaligtasan nito.

Una nang sinabi ng NBI na hindi magiging madali ang paglilipat sa retiradong sundalo dahil malayo ang Bulacan at lantad ito sa anumang posibleng hakbang ng mga kalaban nito.

Si Palparan ay nahaharap sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala ng UP students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño noong 2006.

Inuugnay din ito sa iba pang kaso ng  extrajudicial killing ng mga pinaniniwalaang  komunista. Itinanggi naman ito ni Palparan.

 

BULACAN PROVINCIAL JAIL

JOVITO PALPARAN

JUDGE TEODORA GONZALEZ

KAREN EMPE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NEW PEOPLE

PALPARAN

SHERLYN CADAPAN

SI PALPARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with