^

Bansa

Pinsan ni ex-FG Arroyo timbog sa syndicated estafa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga operatiba ng PNP-Intelligence Group ang dating banker at pinsan ni dating­ First Gentleman Jose Mi­guel Arroyo kaugnay ng pagkakasangkot nito sa P230M syndicated estafa­ sa isinagawang ope­ras­yon nitong Martes ng hapon sa Ayala Alabang, Muntinlupa City.

Kinilala ni PNP spokesman Chief Supt. Reuben Theodore Sindac ang na­arestong negosyante na si Benito Ramon “Bomboy” Araneta.

Si Araneta ay nahaharap sa 15 counts ng syndicated estafa sa pagkawala ng P230M na pera ng mga depositors na nagbunsod sa pagkabangkarote ng LBC bank.

Ang kaso laban kay Araneta ay nag-ugat sa inihaing reklamo ng Phi­lippine Deposit Insurance Company (PDIC) na matatagpuan sa Ayala Avenue, Makati City para sa LBC Bank depositors noong 2006. Ang LBC ay nai-takeover ng PDIC dahil na-bankrupt.

Sinasabing si Araneta­ ay naakusahang humiram­ ng P230M na walang ibinigay na collateral na siyang nagbunsod sa pagkabangkarote ng ‘thrift bank’ na pag-aari ng pinsan nitong si Carlos Araneta na ang pamilya ay siya ring may kontrol sa LBC remittance at cargo forwarding firm.

Bukod kay Araneta ay kinasuhan din si LBC Bank chairman at president Ma. Eliza Berenguer.

Nakakulong sa PNP-IG sa Camp Crame si Araneta at walang inirekomendang piyansa rito.

ARANETA

AYALA ALABANG

AYALA AVENUE

BENITO RAMON

CAMP CRAME

CARLOS ARANETA

CHIEF SUPT

DEPOSIT INSURANCE COMPANY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with