‘Sex for food’ sa mga resettlement area
MANILA, Philippines - Ikinabahala ng Caritas Manila ang ulat na pagbebenta ng panandaliang-aliw kapalit ng pagkain o “sex for food” sa mga resettlement area.
Ayon kay Fr. Anton Pascual, executive director ng Caritas Manila, dapat kumilos ang gobyerno laban sa “sex for food” sa mga lugar na pinaglipatan ng libu-libong pamilya.
Inihayag ng pari na dapat ipagkaloob sa mga urban families na inililipat sa mga resettlement area ang lahat ng oportunidad bago pa lisanin ang mga lugar na kanilang pinagmulan ng hindi masangkot sa mga hindi magagandang gawain.
Isa sa isyu ngayon ang ‘sex for food’ na pinapasok ng mga naninirahan sa resettlement area sa Calauan, Laguan kapalit ang 100-150 pisong kita.
Ang nasabing komunidad ay binubuo ng may anim na libong pamilya na biktima ng bagyong Ondoy, pag-aalis sa mga naninirahan sa waterways sa Paco, Estero de Malacanang, Pandacan, maging sa Dasmariñas, Cavite at San Isidro, Laguna.
- Latest