^

Bansa

Walang chicken shortage - DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang kakulangan sa suplay ng manok sa bansa. Ayon kay Agriculture Undersecretary for Livestock Jose Reaño, may sapat na suplay ng manok at sa katunayan anya ay may tatlong milyong kilo ng manok ang nasa kanilang imbentaryo ang pupuno sa anumang pangangaila­ngan sa suplay.

“Nagpo-produce pa tayo araw-araw, and 31 days lang naman ready na ang poultry so there really is no reason for a shortage in the supply of chicken,” pahayag ni Reaño.

Bagamat may kabagalan sa pagpasok ng mga imported chicken, ito naman anya ay maaayos sa pagpasok ng buwan ng Nobyembre.

Kung may pagkakataon anya na tumaas ang halaga ng manok sa mga pamilihan, maaaring ipampalit pansamantala ng publiko ang paggamit ng karne ng baboy dahil sa mas mababa ang halaga nito sa ngayon.

Mula July hanggang Disyembre ngayong taon, may walo hanggang 11 milyong kilo ng manok ang inaasahang magmumula sa Southern Luzon.

Ang mga chicken growers na naapektuhan ng kalamidad ay tutulu­ngan ng DA at Landbank upang mapautang ang mga ito at matulungan na muling makabangon sa pagbagsak ng negosyo.

AGRICULTURE UNDERSECRETARY

AYON

BAGAMAT

DISYEMBRE

LANDBANK

LIVESTOCK JOSE REA

MULA JULY

SOUTHERN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with