Chicken shortage pinangangambahan
MANILA, Philippines - Nangangamba ang mga chicken growers sa bansa na kulangin ang suplay ng manok sa Kapaskuhan.
Ayon kay Engr. Rosendo So ng Samahang Industriya ng Agrikultura, nagpatawag ng emergency meeting si Agriculture Sec. Proceso Alcala upang lutasin ang problema sa supply ng manok particular sa mga fast food chains at pamilihan.
Ayon sa ulat, nakakaranas ng congestion sa mga pantalan dahil hindi naibaba sa mga pier ang supplay ng karne na nagdudulot ng kakulangan sa suplay nito sa merkado kaya tumataas din ang presyo at posibleng umabot ang problemang ito sa Kapaskuhan.
Samantala, paiimbestigahan naman sa Kamara kung saan nagmumula ang supply ng poultry products ng mga fast food chain sa bansa.
Sa House Resolution 1353 na inihain ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, hiniling nito na alamin kung nagmumula sa Shanghai Husi Food Company Limited and meat at poultry products na isinisilbi ng mga food chains.
Ito ay dahil sa ang Shanghai Husi Food Company na kilalang supplier ng malalaking fastfood chain ay sangkot umano sa unhealthy practices na isang eskandalo ngayon sa China.
Nadiskubre na ang mga empleyado ng nasabing kumpanya ay naghahalo umano ng mga expired na produkto sa supplies na ipinapada sa kanilang mga kliyente at dinodoktor pa ang expiration date ng kanilang produkto.
Matapos na pumutok ang eskandalo sa China ay ilang malalaking fastfood chain ang pinutol na ang kontrata sa naturang kumpanya.
- Latest