^

Bansa

Daang matuwid ang batayan - Roxas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Gagawin ko kung ano ang pinakamabuti para sa tunay na interes ng bayan at hindi alinsunod sa pabugso-bugsong usaping pulitika, pag-postura o pang-sariling ambisyon lang.”

Ito ang sinabi ni DILG Sec. Mar Roxas, bilang tugon sa isyu ng pagsasanib puwersa ng Liberal Party at Una para sa darating na halalan 2016.

Ayon kay Roxas, on leave president ng Liberal Party, ang Daang Matuwid ang pangunahing konsiderasyon ng administrasyon party para pumili ng standard bearer para sa 2016 presidential elections.

“Hindi ito tungkol kay Mar o Jojo sa 2016. Ang pinakamahalaga ay ang pagpatibay at pagpapatuloy ng Daang Matuwid. Si P-Noy na nagsabi, and I quote, “Kung pipili man tayo, pipili tayo ng taong walang katiting na duda” na magpapatuloy ng kanyang programa at malinis na pamamahala,” giit ni Roxas.

“Napakalinaw naman na hanggang ngayon, salungat na salungat ang agenda ng UNA sa agenda ng Daang Matuwid na siyang itinataguyod ng LP,” dagdag pa nito.

Naninindigan si Roxas na patuloy na susuportahan ng LP ang pamumuno ni Pangulong Aquino at susunod sila sa anumang desisyon nito kaugnay sa 2016 elections.

 

AYON

DAANG MATUWID

GAGAWIN

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

PANGULONG AQUINO

ROXAS

SI P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with