^

Bansa

Posibleng term extension ng Pangulo malayo raw

Gemma Garcia at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malayo ang posibilidad na makapagpalawig pa ng termino o makakandidatong muli sa halalan sa 2016 si Pangulong Benigno C. Aquino III.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., isang termino  o anim na taon lamang ang pinapayagan ng Saligang batas para sa presidente.

Para naman kay Majo­rity leader Neptali Gonzales, mukhang kaaway ng pangulo ang nagpapalutang  ng reeleksyon nito dahil alam naman na ikasisira ito ng punong ehekutibo.

Bukod dito, ayon kay  Gonzales, malabong magkaroon ng term extension ang pangulo dahil kaila­ngan pang susugan ang Konstitusyon para mapalawig ang panunungkulan ng Pangulo pero sa sitwasyon sa kasalukuyan ay imposible ito.

Lantaran din anyang tinututulan ng Pangulo ang Chacha (Charter Change) kahit eksklusibo lamang ito para sa economic provision kaya imposibleng bumaligtad pa ito para lamang mapalawig ang kanyang termino.

Sinabi naman nina Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Dasmariñas Rep. Elpidio Barzaga na  kung itutulak ng admi­nistrasyon ang Chacha para bigyang-daan ang reeleksyon ng Pangulo ay susuportahan niya ito.

Samantala, sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr. na, bagaman pinakikinggan ng Pangulo ang tinig ng taumbayan sa iba’t-ibang isyu kabilang ang nagsusulong ng pangalawang termino nito, wala sa ‘radar’ ng Pangulo na mapalawig ang panunungkulan nito sa puwesto.

Malaya anya ang sinuman sa ilalim ng demokrasya na magbigay ng kanilang pahayag pero walang kinalaman ang Malacañang sa kumakalat sa social media na may panawagan sa isa pang termino ni PNoy.

BEN EVARDONE

CHACHA

CHARTER CHANGE

EASTERN SAMAR REP

ELPIDIO BARZAGA

HERMINIO COLOMA JR.

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

PANGULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with