^

Bansa

'Jose' nakalabas na ng Pinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong "Jose" ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na bandang ala-7 ng umaga lumabas ng PAR ang bagyo at tinutumbok nito ang Japan.

Sa huling weather bulletin ng PAGASA ay taglay ni Jose ang lakas na 150 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 185 kph, habang gumagalaw sa pa-hilaga hilaga-silangan sa bilis na 11 kph.

Pinaiigting pa rin ng bagyo ang hanging habagat na magdadala ng paminsan-minsang pag-ulan sa Hilagang bahagi ng Luzon.

Si Jose ang pang-10 bagyo ngayong taon.

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

HILAGANG

HUWEBES

LUZON

NAKALABAS

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

PINAIIGTING

SI JOSE

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with